Si Lila sa Paborito niyang Pwesto
<UNDER MAJOR REVISION> Sadyang masikip ang mundo para sa mga taong nakatakdang magkita. At mas lalong masikip ang eskinita kung saan ko unang nakita noon ang nakatingalang si Lila. Parang may hinihintay. Parang naghahanap ng meron sa kawalan. Parang nakatanaw sa maraming bituin nang alas singko y medya ng maambong hapon habang tila iniisip na ang masikip na eskinita ang mumunting uniberso. Una ko siyang nakita sa paborito niyang pwesto habang nagmamadali akong makauwi galing sa trabaho, sa mall bilang part-time bagger. Part-time tambay kapag nasa bahay at binubungangaan nang bigtime ni nanay. Pagkatapos maiabot sa pedicab driver ang sampung pisong pamasahe at bumaba ng sasakyan, sinipat ko ang oras sa relong nakasuot sa kaliwang pulsuhan. Nakatakip sa ulo ang kanang kamay bilang pananggalang sa ulan. Pambihira. Paniguradong aambon na naman sa bahay ng "Wala ka talagang kwentang anak!". Napalunok ako no'n nang maisip ang posibleng kahihinatnan k...