Mga Post

Kalusugang Pangkaisipan: Digmaang Sama-samang Pagtatagumpayan

Imahe
HINDI NA NGA  marahil maaalis sa dila ng karamihan sa mga Pilipino ang mga salitang "siraulo", "may saltik", "baliw", “abnoy", "kulang-kulang", "buang", "salot", "ulol", "takas sa mental" at iba pang salitang naging ka-partner na ng pulutan, kantsawan, tuksuhan, biruan, sumbatan, usapan at kuwentuhan. Ngunit seryoso man itong ibinibigkas o hindi, sumasalamin pa rin ito sa sipat ng lipunan ukol sa isa sa kasalukuyang pinakaseryosong isyung pangkalusugan ng bansa at maging ng buong mundo, ang Mental Health. Ang kalusugang pangkaisipan, lusog-isip o Mental Health ay karaniwang nangangahulugan ng kawalan ng anumang uri ng sakit sa pag-iisip o mental illness at pagkakaroon ng maayos na pag-iisip. Ito ay tungkol sa kung paano nag-iisip, nakakaramdam at kumikilos ang isang indibidwal. Ayon sa World Health Organization o WHO, ang Mental Health ay ang estado ng kaginhawaan ng isang tao na kung saan ...

Si Lila sa Paborito niyang Pwesto

Imahe
<UNDER MAJOR REVISION> Sadyang masikip ang mundo para sa mga taong nakatakdang magkita. At mas lalong masikip ang eskinita kung saan ko unang nakita noon ang nakatingalang si Lila. Parang may hinihintay. Parang naghahanap ng meron sa kawalan.  Parang nakatanaw sa maraming bituin nang alas singko y medya ng maambong hapon habang tila iniisip na ang masikip na eskinita ang mumunting uniberso. Una ko siyang nakita sa paborito niyang pwesto habang nagmamadali akong makauwi galing sa trabaho, sa mall bilang part-time bagger. Part-time tambay kapag nasa bahay at binubungangaan nang bigtime ni nanay. Pagkatapos maiabot sa pedicab driver ang sampung pisong pamasahe at bumaba ng sasakyan, sinipat ko ang oras sa relong nakasuot sa kaliwang pulsuhan. Nakatakip sa ulo ang kanang kamay bilang pananggalang sa ulan. Pambihira. Paniguradong aambon na naman sa bahay ng "Wala ka talagang kwentang anak!". Napalunok ako no'n nang maisip ang posibleng kahihinatnan k...